Saturday, August 30, 2008

Unang Pagkakamali

Si Romeo Colendra ay isa sa mga tapat kong tagahanga. hahahaha. [Translation: Uto-uto]. Siya ang kauna-unahang nagresponse sa aking panawagan. At dahil siya ay isang mabuting mag-aaral at huwarang bata ang blog na ito ay ginawa ko alang-alang sa kanya.

Si Romeo ay nagtapos sa Bukal NHS noong taong 1999. At nagpatuloy ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo. Siya ay nagtapos ng kurso ng BS Education at tumangap ng karangalan bilang Cum Laude sa nasabing kolehiyo. Siya rin ay nakapasa sa eksameng PBET at lisensyadong guro kung maituturing. Subalit dahil sa kanyang hangaring makatulong sa kanyang pamilya siya ay nangibang bansa at doon nagtrabaho at nakipagsapalaran.



The Ever Loyal Spring Editorial Staff...........hahahhaa

Nagdream ako magsulat noon.... sabi ko while nasa foreign country ako nakakapagsulat ako, pero hindi siya naging madali sa akin. Sabagay ang tanda ko nung high school ako, hindi nga naman ako tagacreate ng mga news or anything para sa paper, taga drawing lang ako at most of the time hindi pa ako confident sa drawing ko. Nagsulat nga ako sa most controvertial issue ng The Spring (the lampoon issue),ayun; na litis pa kami at may special project pa ako.... hahhaha. Siguro yan ang experience na hindi ko malilimutan kung tungkol sa pagsulat ang pag-uuspan. Maniwala man ang nakakabasa, editorial line lang yung sinulat ko, isang maiksing sentence na nagpaapoy sa ilong ng mga teacher ko sa Bukal. Big evidence para sabihin talaga na napakapowerful ng pen, lalo na kung may-utak ang gumagamit. Claiming na may utak ako?

Spending more than four and a half years sa country na may both extremity ang weather, sobrang malamig at maiinit (Dubai, U.A.E.), ni isang na isulat wala ako... everything is recorded by memory. Siguro recorded nalang din yun everytime na magsesend ako ng email sa aking???? nalimutan ko kung papaano ko sya idescribed (actually marami)... but anyway si Ma'am Ruth yun. Updated sya sa mga dreams ko, sa success ko and i really believed that isa ako sa MYMP.

That is true, naunahan ko syang magescape ng Pilipinas, naunahan ko syang takasan ang kahirapan, ang mga tsimosang kapitbahay, ang mga pasosyal na taga Liliw, ang mga batang naghahanap ng trabaho na kakumpetesnsya ko. At narealise ko after few years, namimiss ko ang lahat ng ito.... hinahanap ng paningin ko. Dahil ang totoo, hindi masarap ang buhay ng taong napag-iiwanan ng lahat, lalo ng sarili mong lugar na kinalakihan (isa sa mga difference namin ni Ma'am Ruth, huwag kayong umasa na namimiss nya ang mga tsimusa nyang kapitbahay).

Kung mapupuna nyo, parang nakikipag usap lang ang pagsulat ko nito.... walang gasinong Englisan (limited po kasi ang grammar ko, kahit British accent na daw...hahhaha). Dahil gusto ko pang makipagkwentuhan sa inyo... bihira kong gawin ito. Walang border or barrier para sa kahit ano. If you are interetested to find out more about me.... huwag nyo akong icontact.... echeck nyo nalang kay ma'am Ruth kung ok ako para sa query nyo....


ROMEO COLENDRA
Dubai, United Arab Emirate




Si Romeo o BOBBY [kung close ka sa kanya] ay isa sa mga tapat kong miyembro ng Editorial Staff. Siya ay isang mahusay magdrawing at dahil dito siya ang aking Editorial Cartoonist at nakakaalam sa pagle-lay-out ng dyaryo ng Ang Bukal. Siya ay isang huwarang estudyante, masipag na empleyado, tapat na kaibigan, huwarang kapatid at mapagmahal na anak.



Si Romeo kasama si Mam Orona at Mam Vines noong isang beses siyang nagbalik-bayan at bisitahin ang mga paborito niyang guro *wink.



NOTE: Wala akong binago sa email ni Romeo... di ko ito inedit... kaya kung may ilang pagkakamali kayong mababasa ito ay purong typographical error po.

Read more...

Dahil nalipasan ng gutom

Naniniwala ako na minsan pag gumawa ka ng isang desisyon kelangang maglaan ka ng bente porsiyento para sa mga pagkakataong di mo inaasahan. Kelangang handa ka sa mga maaring mangyari na wala sa panahon. At kelangan meron kang isang alternatibong solusyon para sa mga bagay na biglaang sumusulpot.

Kamakailan biglang naisipan kong gumawa ng blog para sa Liliw National High School. At isang makabuluhang ideya ang pumasok sa kokote ko habang nag jojogging ako. Wala lang, dala lang siguro ng lipas ng gutom at matinding hangaring magpapayat (o wag nang itanong kung pumayat na nga ako). Sa makatwid, pagdating ko ng bahay inumpisahan ko munang magpost ng bulletin Friendster at nanawagan sa mga dati kong mga Editorial Staffer. Palibhasa wala akong ibang alam na puedeng utuin kaya sila ang tinawagan ko. Aba, akalain mo bang biglang nagparamdam nga. Sabi ko na nga ba mga utu-uto talaga.

Kaya ngayon wala na akong nagawa. Di ko akalaing may "powers" pa pala ako. May karisma pa pala ako. At higit sa lahat may naniniwala pa rin pala sa akin. Eto ngayon ang problema. Isang blog lang talaga ang nasa isip ko. At english sana un kasi ang target ko ay international market. Ang kaso, ang kauna-unahang nag email ng article ay si Romeo Colendra. At ang hinayupak... ibang post ang nabasa... at di rin nagbasa ng "Mechanics for Submission of Post Entry" kaya ang unang post na natanggap ko ay Taglish... so ano pa nga ba ang magagawa ko?

Kaya eto ako ngayon, kandadaling gumawa ng isa pang blog at ito ay ang tagalog version ng The Spring Online. Dito... dito ko ilalathala ang mga contribution ng mga dating mag-aaral ng dating Bukal National High School na ngayon ay kilala sa pangalang Liliw National High School. Dito nyo mababasa ang mga karanasan, balita, kaligayahan, tagumpay at maging mga hinaing at reklamo ng mga mag-aaral ng naturang paaralan na di kayang isiwalat sa English. Well, siguro Tag-Lish ito kasi di naman lahat ng salita ay kayang isatagalog kahit nga ng mga batikang guro sa Filipino ng naturang paaralan.

Kaya heto na po... di ito inaasahan... pero mauuna pa pala itong blog na ito... at ang blog na ito ay tatawaging... ANG BUKAL... ang sumunod na lebel.




Ruthinian Orona-Gregoire

Read more...

Ito ang inyong Pintuan sa kwento ng buhay ng mga DATING MAG-AARAL pagkatapos ng kanilang maliligayang araw sa Liliw National High School [ang dating Bukal National High School]. Halina at makichikka Tayo. Halina at makibalita tayo. Tara at ng makasagap ng sariwang kwento. Halikayo at makiisa dahil ito ang kwento ng inyong buhay. Sama-sama nating balikan ang nakaraan at magbalik-tanaw.

Followers

  © Blogger template Blogger Theme II by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP