Unang Pagkakamali
Si Romeo ay nagtapos sa Bukal NHS noong taong 1999. At nagpatuloy ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo. Siya ay nagtapos ng kurso ng BS Education at tumangap ng karangalan bilang Cum Laude sa nasabing kolehiyo. Siya rin ay nakapasa sa eksameng PBET at lisensyadong guro kung maituturing. Subalit dahil sa kanyang hangaring makatulong sa kanyang pamilya siya ay nangibang bansa at doon nagtrabaho at nakipagsapalaran.
The Ever Loyal Spring Editorial Staff...........hahahhaa
Nagdream ako magsulat noon.... sabi ko while nasa foreign country ako nakakapagsulat ako, pero hindi siya naging madali sa akin. Sabagay ang tanda ko nung high school ako, hindi nga naman ako tagacreate ng mga news or anything para sa paper, taga drawing lang ako at most of the time hindi pa ako confident sa drawing ko. Nagsulat nga ako sa most controvertial issue ng The Spring (the lampoon issue),ayun; na litis pa kami at may special project pa ako.... hahhaha. Siguro yan ang experience na hindi ko malilimutan kung tungkol sa pagsulat ang pag-uuspan. Maniwala man ang nakakabasa, editorial line lang yung sinulat ko, isang maiksing sentence na nagpaapoy sa ilong ng mga teacher ko sa Bukal. Big evidence para sabihin talaga na napakapowerful ng pen, lalo na kung may-utak ang gumagamit. Claiming na may utak ako?
Spending more than four and a half years sa country na may both extremity ang weather, sobrang malamig at maiinit (Dubai, U.A.E.), ni isang na isulat wala ako... everything is recorded by memory. Siguro recorded nalang din yun everytime na magsesend ako ng email sa aking???? nalimutan ko kung papaano ko sya idescribed (actually marami)... but anyway si Ma'am Ruth yun. Updated sya sa mga dreams ko, sa success ko and i really believed that isa ako sa MYMP.
That is true, naunahan ko syang magescape ng Pilipinas, naunahan ko syang takasan ang kahirapan, ang mga tsimosang kapitbahay, ang mga pasosyal na taga Liliw, ang mga batang naghahanap ng trabaho na kakumpetesnsya ko. At narealise ko after few years, namimiss ko ang lahat ng ito.... hinahanap ng paningin ko. Dahil ang totoo, hindi masarap ang buhay ng taong napag-iiwanan ng lahat, lalo ng sarili mong lugar na kinalakihan (isa sa mga difference namin ni Ma'am Ruth, huwag kayong umasa na namimiss nya ang mga tsimusa nyang kapitbahay).
Kung mapupuna nyo, parang nakikipag usap lang ang pagsulat ko nito.... walang gasinong Englisan (limited po kasi ang grammar ko, kahit British accent na daw...hahhaha). Dahil gusto ko pang makipagkwentuhan sa inyo... bihira kong gawin ito. Walang border or barrier para sa kahit ano. If you are interetested to find out more about me.... huwag nyo akong icontact.... echeck nyo nalang kay ma'am Ruth kung ok ako para sa query nyo....
ROMEO COLENDRA
Dubai, United Arab Emirate
Si Romeo o BOBBY [kung close ka sa kanya] ay isa sa mga tapat kong miyembro ng Editorial Staff. Siya ay isang mahusay magdrawing at dahil dito siya ang aking Editorial Cartoonist at nakakaalam sa pagle-lay-out ng dyaryo ng Ang Bukal. Siya ay isang huwarang estudyante, masipag na empleyado, tapat na kaibigan, huwarang kapatid at mapagmahal na anak.
Si Romeo kasama si Mam Orona at Mam Vines noong isang beses siyang nagbalik-bayan at bisitahin ang mga paborito niyang guro *wink.
NOTE: Wala akong binago sa email ni Romeo... di ko ito inedit... kaya kung may ilang pagkakamali kayong mababasa ito ay purong typographical error po.
0 mensahe:
Post a Comment