Dahil nalipasan ng gutom
Naniniwala ako na minsan pag gumawa ka ng isang desisyon kelangang maglaan ka ng bente porsiyento para sa mga pagkakataong di mo inaasahan. Kelangang handa ka sa mga maaring mangyari na wala sa panahon. At kelangan meron kang isang alternatibong solusyon para sa mga bagay na biglaang sumusulpot.
Kamakailan biglang naisipan kong gumawa ng blog para sa Liliw National High School. At isang makabuluhang ideya ang pumasok sa kokote ko habang nag jojogging ako. Wala lang, dala lang siguro ng lipas ng gutom at matinding hangaring magpapayat (o wag nang itanong kung pumayat na nga ako). Sa makatwid, pagdating ko ng bahay inumpisahan ko munang magpost ng bulletin Friendster at nanawagan sa mga dati kong mga Editorial Staffer. Palibhasa wala akong ibang alam na puedeng utuin kaya sila ang tinawagan ko. Aba, akalain mo bang biglang nagparamdam nga. Sabi ko na nga ba mga utu-uto talaga.
Kaya ngayon wala na akong nagawa. Di ko akalaing may "powers" pa pala ako. May karisma pa pala ako. At higit sa lahat may naniniwala pa rin pala sa akin. Eto ngayon ang problema. Isang blog lang talaga ang nasa isip ko. At english sana un kasi ang target ko ay international market. Ang kaso, ang kauna-unahang nag email ng article ay si Romeo Colendra. At ang hinayupak... ibang post ang nabasa... at di rin nagbasa ng "Mechanics for Submission of Post Entry" kaya ang unang post na natanggap ko ay Taglish... so ano pa nga ba ang magagawa ko?
Kaya eto ako ngayon, kandadaling gumawa ng isa pang blog at ito ay ang tagalog version ng The Spring Online. Dito... dito ko ilalathala ang mga contribution ng mga dating mag-aaral ng dating Bukal National High School na ngayon ay kilala sa pangalang Liliw National High School. Dito nyo mababasa ang mga karanasan, balita, kaligayahan, tagumpay at maging mga hinaing at reklamo ng mga mag-aaral ng naturang paaralan na di kayang isiwalat sa English. Well, siguro Tag-Lish ito kasi di naman lahat ng salita ay kayang isatagalog kahit nga ng mga batikang guro sa Filipino ng naturang paaralan.
Kaya heto na po... di ito inaasahan... pero mauuna pa pala itong blog na ito... at ang blog na ito ay tatawaging... ANG BUKAL... ang sumunod na lebel.

Ruthinian Orona-Gregoire
1 mensahe:
hi sistah! nais ko lang ipahiwatig na ako ay dumalaw dito, naaliw at napasaya mo:)
Post a Comment